LYRIC



Hindi makatitig sa tuwing ikaw ay papalapit
Nangangamba kung kikilos na ba
Litong lito ang damdamin

Hanggang kailan ba na ganito
Masaya, pero ba’t sobrang labo
Sumasabay sa agos
Naglalakbay

Ngunit nung tayo na ay nagkita
Nasa piling ka na ng iba
Kita naman sa’yo
Na maligaya ka na sa kaniya

Ngunit paano na tayo
Saan na patungo ito

Paano kung tayong dalawa
Higit pa siguro ang ligaya
Paano kung wala na talaga
Kakalimutan na muna kita

Paano kaya

Wala na nga siguro
Mga pangarap ko sa’yo
Pasensya ka na
Sa isip ko di ka mawala

Ngunit wala nang nagbago
Nandiyan ka’t nandito ako
Kasalanan ba na nagmahal ako
Bakit pa pinagtagpo

Paano kung tayong dalawa
Higit pa siguro ang ligaya
Paano kung wala na talaga
Kakalimutan na muna kita

Ngayong mawawala ka na talaga
Bakit ngayon mo lang pinakita
Siguro nga hanggang panaginip na lang
Ang pagibig na para sa ating
Dalawa

(Paano na)
(Paano na kaya)
(Paano na)
(Paano na kaya)

  1. Clare

    June 9, 2021 at 10:52 pm

    Excellent lyrics.

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT