LYRIC

[ad_1]

Sa t’wing puso’y nag-iisa
Mayro’ng himig na kumakatok
Sa pinto ng aking alaala

‘Di na dapat tumitig pa sa ‘yong mga mata
Ngayon, ikaw na lang ang nakikita
Ang alaala mo’y tila bago
Sa panaginip ko ay naro’n ka

At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako’y laging nandirito
‘Di man ako para sa’yo
Puso’y ‘di magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko’y sa’yo (pag-ibig ko’y sa’yo)
Sa’yo hanggang sa huli

Siguro nga’y nararapat lang ika’y limutin na
Pag-ibig ko’y isang hangin
Na ‘di mo madarama (‘di mo madarama)

‘Di na dapat tumitig pa sa ‘yong mga mata
‘Pagka’t ikaw pa rin ang nakikita
Tanging pag-asa ko’y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko’y ‘di nawala

At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako’y laging nandirito
‘Di man ako para sa’yo
Puso’y ‘di magbabago
Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko’y sa’yo (pag-ibig ko’y sa’yo)
Sa’yo hanggang sa huli

Kung pinagtagpo
Tayong dalawa’y para sa isa’t isa
At kung nasabi ko ang lahat noon
Ay may magbabago ba
Sa aking bawat paghinga
Dalangi’y makapiling ka
At kung ito na ang huli (ang huli)
Nais kong malaman mo na, oh

Mahal kita
Mahal kita
Mahal kita

Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko’y sa’yo (pag-ibig ko’y sa’yo)
Sa’yo hanggang sa huli

[ad_2]

Tags:

Hanggang (2) - Huli (2) - Pop (693)

SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADVERTISEMENT